The 9th Soul

Bad Comment sa H3 Ampf’d

Posted in entertainment, Random by Fated Blue on November 24, 2008

(This is a repost from my MULTIPLY account)

FIRST: galing ako ng UST nung makarating ako sa venue ng mga 1:30 pm. Marami ata nadismaya na di sya sa mas accessible na place ginanap. Convenient sya para sa mga taong malapit dyan tulad ko (30 minutes away sa medium traffic pag commute ng jeep). Pero syempre…wala naman kasing mrt or lrt na diretso dun eh. and most people have grown accustomed to using the rail system para makapunta sa mga lugar faster (trinoma, ayala, Q ave, taft, sm north, etc). kahit na para sa mga tulad ko na malayo ang mga lugar na yan, dahil sa accessible sya, nakakatipid nako sa pamasahe, kahit sa oras natitipid ko na din. ewan ko lang ngayun para sa mga taong uuwi pa ng cavite or paranaque dahil mula sa silver city hanggang sa mga lugar na yun eh at least 2 hrs and 30 minutes or more. sasakay o magaabang ka palang ng bus or jeep 10 min at least pa. traffic pa kasi sabado…no coding -_-. marami din ata ang naligaw. kung di dahil sa tiendesitas, baka mas marami pa ang nawala LOL. naging landmark na ang tiendesitas. kaya pasalamat ang silver city na malapit sa kanya ang tiendesitas.

2nd: naasar ako sa no foods and drinks policy nila sa loob. wala kasing NAKALAGAY MAN LANG NA KARATULA SA LABAS NG BUILDING EH. bumili pa man din ako ng coke na 500 ml para kay homer (kasi naiwana nya yung pera nya kanina  kaya tipid na tipid sya >.<) kasi kakain sya ng lunch na walang iinumin kung nagkataon. kahit ako maasar sa tanghaliang walang tubig man lang. eh ayun…bumili ako ng 500 ml na coke para kay homer (parang bday gift na rin LOLs) tapos 500 ml na water para sakin naman. sabay pagpasok ko “sir! bawal po ang foods and drinks sa loob” ampf’d edition talaga. kung alam ko lang sana tinago ko nalang sya sa kailaliman ng bag ko kanina. napilitan akong ubusin ang coke at tubig ko. sinubukan kong itago kaso may nakatitig sakin na maskuladong bouncer >_> baka isuksok pa nya yun sa bunganga ko! kaya pumasok ako ng venue kanina na mabigat ang tyan tapos sabik sa cr -_-. 3 beses akong napilitang ilabas ang tubig sa katawan ko kanina. di ko lang alam kung 1 litre din ang nilabas ko kanina.

3rd: ayoko nung nasa taas yung mga cosplayers tapos bawal kaming mga non-cosplayers na umakyat. di ko tuloy nakunan lahat ng astigin na cosplayers kanina, unlike ng ibang cons. kasi sa ibang cons, kahit crowded sa catwalk, basta may pics ka BAGO magcatwalk pwede na eh. kaya ang konting ng pics ko sa album ngayon. Usually mga 175+ yan ngayon 115+ lang (excluding non event pics, double to multiple pa yung iba dyan para lang mapaabot ko ng 100 >_>) kasi tinago ng Ampf’d edition yung mga cosplayers. Kaya ayun…pagdating ng catwalk, lahat ng good spots taken na. Mga tao na lang na may high end cams ang kayang mag snipe-photography kanina. Kaya naasar ako eh…di ko man lang nakunan ng matino si shinchan, sina merv, si dylan, si maori, si rider,si OBAMA, at kung sinu sinu pang cosplayers sa taas. 

4th: di marunong yung hosts. parang ngayon lang nakabasa ng mga pangalang hapon sa buong buhay nila -_- sana kapwa cosplayer nalang ang hosts tulad ng past cons. kinuha ata nila mga unknown actors or models na walang trabaho ngaun kaya pinatulan nila kahit hero con. Sinu ba ang nahihirapang basahin at parang di pa sigurado sa pangalang TEMARI?!

5th: 6 pm nagsimula ang mismong event, para sakin at least. parang di mo papansinin yung mga events nila unless may magandang prize or may (mga) magandang babae na nakatayo sa stage tapos halos walang damit ang itsura eh. ewan…para sakin lang naman. di ko kasi trip yung mga ginawa nilang events. kelangan talaga kasali ka para ma-appreciate mo eh. otherwise trigger happy ka or mall mode ka muna bago ang catwalk.

6th: di ko nagustuhan yung arrangement ng mga stalls. sana lahat nalang nasa gilid gilid para malaki yung space sa gitna. or at least nag allow sila sa taas nalang yung ibang stalls habang hiwalay din nakakulong yung mga cosplay participants para tama lang ang space kanina sa baba pati sa taas. tyaka para maiwasan yung mga naka park sa gitna ng kalsada kanina. and cguro para maraming space maupuan man lang yung mga nagbayad ng tickets nila -_- para rin may choice sila kung aakyat ba sila or bababa para mag pic ng mga cosplayers since dalawa yung cosplayers area kung nagkataon. (and para di crowded sa banyo kanina. yung iba napilitang i-call back yung tawag ng kalikasan habang papunta sila sa SM kanina, malayo layo rin yun kung di mo na matiis)

7th: di ko alam kung bakit pero 100 cosplayers lang na 15 or more of them were of L and misa amane -_- don’t even let me mention naruto and bleach characters. di tuloy nakasali yung ibang magaling (or sa group sila napunta, di ko natapos eh) basta wala yung RF accretia na character sa indiv. cosplay kanina. 

yung magandang comments lang na naisip ko sa event are:

1. malamig yung venue
2. malawak.
3. talo ang megatrade hall
4. maraming smexy women cosplayers (and non alike)
5. marami rin bagong cosplayers. 
6. reunited ako sa ibang ichi members (ampf takari nabuhay ka!)
7. tapos yung ibang newbies nakita ko SIGURO pero di ko alam na sila pala yun😄 baka napicturan ko na sila di ko pa alam!

yun lang lols.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: