The 9th Soul

Namatayan ako ng Tita

Posted in life, Special posts by Fated Blue on November 25, 2008

napakalungkot ko ngayon. nakakaasar kasi. 

 

nagsimula ang lahat a few months back. bigla syang nag crash diet by ONLY eating crackers and biscuits with fit and right. di ko alam ang nangyari pero after a few days sa hospital na-diagnosed sya ng leukemia sa medical city. 

 

dahil mahal ang singil ng medical city, napilitan kaming ilipat ang pangagalaga nya sa PGH. after a few months, ok naman ang mga nangyayari. tumatawa na nga raw sya.

 

nagsimula naman sya ng mga treatments nya. up until this november. bigla syang nagkaroon ng complications last night. she was rushed to PGH. Di ko alam kung bakit di nalang sa medical city. as i heard from my mother, who was home early from her supposed company vacation because she received the message about my tita, na sobrang grabe na raw. seizures, very low BP, diarrhea, tapos sabi nya “brain dead” na daw. ako naman…alam ko ang mga meaning ng mga terms na yun. ang pinaka worst na dumaan sa isip ko ay comatose. di ko ginustong isipin ang death. 

 

then just now, my mom received a text message or phone call. then she went outside the house quickly. my brother took notice, and i went to see mom. then she quietly told me “patay na tita beth mo” syempre gulat ako. pati kapatid ko. 

 

she said that quietly kasi yung pinsan namin, na anak ng tita ko, nakikitira sa amin kasi walang magaalaga sa kanya habang may leukemia si tita. yung tatay nya call center agent so mahirap din kung magsasama sila. 

 

16 pa lang ang pinsan ko. only child. 4th year sa pasig catholic college. lalaki. sakto lang ang kaya nila sa buhay. emotionally unstable ang pinsan kong ‘to kasi 14 years syang lumaki ng halos walang tatay at lumaki kasama ang lola na lagi syang na-spoil. up until now, ayaw naming sabihin sa kanya na wala na ang tita nya. ang alam lang nya, nasa ospital lang sya at ginagamot. 

 

nakakalungkot isipin na di man lang naabutan ni tita ang paggraduate o pagtatapos ng pagaaral ng pinsan ko. sabi ko sa tita ko gagawin ko ang lahat para mapaganda yung grades ng pinsan ko sa school. di naman sya bagsakin, pero mababa lang talaga. sabi ko pa nga kay tita beth na pagaaralin namin sya sa UST kasi dun talaga ang gusto ng pinsan ko. kahit na may kamahalan ang tuition.

 

ewan ko kung kelan namin sasabihin sa kanya ang balitang ito. sasabihin ko lang, ang pangarap ng pinsan ko ay bumili ng sariling bahay para sa pamilya nya balang araw. kasi sa ngayon, sa apartment sila nakatira. na evict sila some 2 years ago kasi ayaw na atang samahan sa bahay ang lola namin at gusto ni tita sa sumama sa asawa nya. galit kasi ang lola ko sa asawa ni tita. kaya ayun, yung bahay nila binenta nalang. 

 

basta…tutuparin ko yung huling pangako ko sa tita ko. sabi nya kasi sa ‘kin “alagaan mo si JC ah.” “OPO tita.” 

 

ngayon ko rin nakitang umiyak ang nanay ko ng sobra-sobra. usually na malakas ang loob ng nanay ko lalo na nung nagka breast cancer sya. sa awa ni Lord, naka survive ang nanay ko a few years back. di lang talaga pinalad ang tita ko. sabi ng nanay ko “ayaw na magpa revive ng tita mo, pagod na raw sya” pero bago yung pagkamatay nya, nasa respirator na daw sya sa ICU. pero…ganun talaga ang buhay.

 

di ko lubos maisip ang nadarama ng nanay ko sa kapatid nya. 6 silang magkakapatid, at anim din silang namomroblema kung paano sasabihn sa lola kong may sakit sa puso at sa pinsan kong walang alam sa pangyayari. 

 

kahit kanina, nang nakita ko ang nanay ko na sobra ang luksa…napapaluha din ako. tinatago ko lang kasi kelangan kong maging malakas para sa kanya.

 

ayokong maramdaman ang siguradong mararamdaman ng pinsan ko pag nalaman nya yun. ewan…bahala na. tatay nya dapat ang magsabi IMO. kami nalang ang bahala sa pinsan ko. hopefully may liwanag pang natitira sa pamilya nila.

 

 

KAYA KAYONG MGA NAGBABALAK MAG PAPAYAT: sana naman alamin nyo muna kung anu ba ang nararapat na kainin bagay sa katawan nyo. nagsimula ang lahat dahil sa “fit and right + crackers” diet ng tita ko. huwag nyong susubukan mag crash diet ng walang consultation sa experts.

Tagged with: , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: