The 9th Soul

Panaw ng Pighati

Posted in entertainment, life by Fated Blue on February 8, 2009

SYNOPSIS:

Upang malaman na ikaw ay nabubuhay, ang una mong gagawin ay ang kurutin ang sarili mo para makaramdam ng sakit. Ang pagdurusa natin ang siyang palatandaan para malaman natin kung ano nga ba ang realidad at panaginip. Samakatuwid, kamatayan ang kasagutan nang hindi na tayo makaramdam ng kapighatian at pasakit sa buhay. Ngunit paano mo malalaman kung ikaw nga ay tuluyan ng nawala sa mundo ng nabubuhay? At kung nalaman mo na, ano ang mas nanaisin mong gawin: Tumawid papuntang langit o bumalik sa naghihintay na walang humpay na pagdurusa. Buhay ka naman.

Ang mga ito ang itinakdang pagdaraanan ni Rem at Remi. Magkaibang pagkatao ngunit nabibilang lamang sa iisang katauhan. Si Rem ay nais nang matahimik sa mundong puno ng kapighatian; at si Remi, ang tanging hiling ay mabuhay pang muli upang ibalik ang pagmamahal na ibinagay ng kanyang mga magulang. At nang magkita silang dalawa sa tawiran, pareho silang mayroong gustong makamtan ngunit magkaiba ang gustong patunguhan. “Nasaan ako Mang Jani?” “Nais ko ng tumawid Mang Jani”: Ang mga pangungusap na hinaharap ng ating tagahatid. Pareho niyang gustong bigyang katuparan ang mga hiling ni Rem at Remi subalit lahat ng mga nilalang ay may itinadhanang limitasyon. Kapag umihip na ang malamig na hangin ay wala ka ng magagawa kundi ang magpadala at sumunod.

Walang takas, walang pagpupumiglas at walang iiwan kundi ang mga alaala… Minsan, nagpaparamdam sa atin ang mga taong lumisan; nag- aalala sa kung ano na ang kalagayan natin. Tunay nga bang ang kamatayan ang hudyat ng tuluyang katahimikan? Maraming tanong ngunit walang tiyak na kasagutan.

When:Feb 24 2009. Tuesday

Where: Agusto Rosario Gonzales theater, DLSU-CSB

Screening times: 1 pm and 7 pm

Price: P 150.00

Director and Playwright: Gabriel Frederick G. Masiglat

PS: di po ako taga CSB🙂 pero best friend ko kasi yung direk. tawag ko nga sa kanya “direk derick”. Baka nakilala o napanood nyo na sya sa mga plays noon. first time po nya bilang director at playwright, kasi madalas syang gumaganap. Manood po kayo! sigurado akong maganda ang pinaghirapan nya. May scripts din kayong matatanggap sa mismong play. Suportahan nyo po sana sya! SALAMAT!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: