The 9th Soul

Bakit…

Posted in life by Fated Blue on February 21, 2009

May ibang tao na gusto mong mahalin, pero ang hirap mahalin?

May ibang tao na ayaw mong mahalin, pero madali mahalin?

May ibang tao na di makuntento sa isa?

May ibang tao na gusto mong mawala, pero pag nawala siya, nanaisin mo siyang bumalik?

May ibang tao na nagpapaloko sa mahal nila? kahit na lantaran na ang panloloko sa kanila?

May ibang tao na handang magmahal ng sobra pero walang dumarating sa buhay nila?

May ibang tao na ayaw magmahal, pero marami namang may mahal sa kanya?

May ibang tao na ayaw matulog na may kasama, pero pag gising gusto may katabi?

May ibang tao na laging umiiyak, pero pinipilit tumawa?

May ibang tao na laging tumatawa, pero gustong umiyak?

May ibang tao na malandi, pero takot naman?

May ibang tao na mahinhin, pero mahilig pala?

May ibang tao na maganda ang kalooban pero naghihirap?

May ibang tao na masama ang budhi pero sila pa ang swerte?

May ibang tao na matalino, pero kabobohan ang pinapairal?

May ibang tao na walang pinag-aralan, pero alam ang dapat gawin?

May ibang tao na ayaw sa sariling bansa kahit na puro ang kabihasnan nila?

May ibang tao na di naman puro ang kabihasnan, ngunit sila pa ang mas mahal ang bansa?

May ibang tao na di marunong matalo?

May ibang tao na di matinong manalo?

May ibang tao na maingay pero wala namang ibubuga?

May ibang tao na tahimik pero maraming magagawa?

May ibang tao na pilit sinasaktan ang sarili?

May ibang tao na takot masaktan?

May ibang tao na di makapaghintay?

May ibang tao na habang buhay na naghintay?

At higit sa lahat, Bakit may ibang taong mahilig mag sakripisyo para sa wala?

Tagged with: , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: