The 9th Soul

Kalahating Oras

Posted in life by Fated Blue on February 27, 2009

Ano ba ang magagawa ng tatlumpung minuto sa buhay natin?

Summer time. Nagka outing kaming buong section sa resthouse ng classmate namin sa Laguna. Naisipan naming mag Enchanted Kingdom bago umuwi, dahil lahat kami ay maghahanap na ng trabaho pagkatapos ng linggong ito. Oo, graduate na kami. Apat na taon din ang ginugol namin bago kami makarating sa kung ano kami ngayon. Apat na taong puno ng saya at lungkot. Apat na taong paghihirap at ginhawa. Akalain mo nga naman, parang kailan lang, lahat kami pawang estranghero sa isa’t isa. Ngayon, huling pagkikita na namin. Buhay talaga, sa una lang masaklap. Pero sa huli, talagang aasamin natin ang pagkasaklap nito. Lalo na’t marami kang bagay na nasimulan, ngunit di mo natapos.

Sa loob ng apat na taong iyon, maraming nangyari na di mo aasahang mangyari. Tulad ko nalang, di ko ninais magmahal ng babae sa kolehiyo dahil itinuring ko ito bilang hadlang sa aking mga pangarap sa buhay. Nais ko munang umunlad, magpakatalino, magpakayaman. Sino ba ang ayaw maging magaling? Buong buhay-kolehiyo ko itong iniisip. Di ako sumasama sa mga gimik, sa mga party, at sa mga sleepovers na ginagawa ng section ko. Una, dahil wala akong bisyo. Pangalawa, dahil mas ginusto ko pang magaral nalang kaysa ubusin ko ang oras ko sa mga bagay na makakapagpa-engganyo lang sa akin ng sandali. Syempre, inisip ko ang long run ng buhay ko. Inisip ko na pag nagloko ako ngayong kolehiyo, baka masira ang mga pangarap ko. Matagal kong tiniis ang pagka-inggit sa mga ngiti ng mga kaklase ko tuwing lalabas sila. Matagal ko ring inasam na makita silang lasing kung talaga ngang nakakatawa ang mga pinaggagawa nila. 

Sumali nalang ako sa outing ng section namin para naman maramdaman ko kung anu ang saya na nararamdaman nila.So far so good. Puro kami tawa at kwela buong outing. Hinayaan ko lang silang uminom samantalang ako nama’y pinanood silang mag-gaguhan habang lasing. Nakakatawa nga sila. Ilan beses din nila akong kinumbidang maki-inom na din. Tumanggi na lamang ako dahil di ako naniniwala sa sarap na dulot ng alak. At isa pa, madali akong ma-adik sa mga bagay-bagay na masarap. Natatakot naman akong lumaking lasenggo at malaki ang tyan.

“Guys baba na tayo! EeeKay na!” 

“EeeKay! EeeKay! EeeKay! EeeKay!”

Nakarating na pala kami sa Enchanted Kingdom. Tagal ko nang di napunta dito. Huling apak ko sa lugar na ‘to 3rd year hayskul pa. Nakakamiss nga naman ang mga rides na talagang babaliktarin ang sikmura mo. Noon isang ride na nakakatakot lang ang sinakyan ko, yun ang Anchor’s Away. Nakakatakot ito para sakin dahilan sa may takot ako sa mga matataas na lugar at sa pakiramdam na nahuhulog. Pero ngayon, balak kong tapatan ang takot na nararamdaman ko at sasakyan ko, ng kahit isang beses man lang, ang lahat ng nakakatakot na ride dito. Susulitin ko na rin ang Ride-All-You-Can ng EK. 

Nakalipas ang ilang oras, halos mawalan na ko hininga sa pagod na nararamdaman ko. Pagod sa kakahanap ng masasakyan, pagod sa kakapila, at higit sa lahat: Pagod sa kakasakay sa mga rides na talagang humuhugot ng sikmura. Pero masaya naman ako at nagawa ko ngang harapin ang takot ko. Dahil na rin siguro at kasama ko ang mga kaklase ko. Patapangan ba naman ang dating! 

Inabot na kami ng gabi, talagang binalak naming magpagabi para naman makita namin ang fireworks display ng EK. Ewan ko lang sa inyo, pero di ko ito naabutan. Sabi nila korni daw, walang excitement. Sa akin naman, basta makita ko lang kahit isang beses lang masaya na ko. Minsan lang naman ako mapadpad dito, ba’t di ko pa lulubusin?

Biglang naisipan ng grupo na magsama-sama na ang mga mag-on. Ewan ko ba kung bakit nila naisip yun, Di naman karamihan ang magkarelasyon sa section namin. Sinabi ko ito sa kanila, kaya ang ginawa nalang ng class president namin: Pumunta sa bagong gawang Tunnel of Love at mag random pair-up doon. Maraming babae kaysa lalaki sa section namin. Ayos lang naman sa iba kung babae sa babae dahil magkakaibigan naman sila. Eh paanu kaming mga lalaki? siguro ayos lang sa mga guy classmates ko kung mag-pair up sila sa babae dahil lagi naman silang gumigimik. Eh ako?! mapupuno ng katahimikan ang bangkang sasakyan namin ng partner ko. Kung alam ko lang, di na sana ako nagsalita pa tungkol dito.

Napilitan na lamang akong pumila. Last day na nga naman namin bilang magkakaklase, bahala na lang kung anung kagaguhan ang maganap. Sana lang matino ang makasama ko.

Lahat naman ng nauna sa ‘kin ayos lang talaga na mag-partner sila. Sabi ng nga nauna, talaga daw maganda sa loob, 30 minutes daw yung isang pasada. Di mo iisiping ganoon pala kahaba ang byahe. Dahil na rin siguro para sa mga gustong magkaroon ng sariling oras, lalo na sa mga taong may mahal sa buhay. Talagang magiging sweet ang moments ng magkarelasyon sa loob.

Paanu naman yung hindi?! Paanu na’ko?!

Dumaan ang ilang sandali, at ako na pala ang susunod. Ilang beses nang dumaan sa isip ko na mag-backout  sa kalokohang ako ang dahilan kung bakit nangyayari. May harang pala sa bawat pares so talagang di mo malalaman kung sino ang kasama mo hangga’t di ka nakapila sa mismong pasukan. Nabigla na lamang ako sa naging partner ko.

 

TO BE CONTINUED HERE

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: