The 9th Soul

Bagong Dekada. Bagong Ikaw.

Posted in life, Special posts by Fated Blue on December 10, 2019

Malapit na namang matapos ang isang dekada. Kung di mo pa ginagawa, bitawan mo na.

Mahirap magdala ng mabigat na bagahe na hindi mo naman napapakinabangan lalo na at matagal nang nawala yung tunay nitong may ari.

Sa pagpasok ng bagong taon, travel light nalang tayo.

Puwede na ang backpack. Libre pa ang carry-on.

Mas masayang bumiyahe kung wala kang masyadong bitbit at maluwag mong nagagawa ang lahat ng gusto mo dahil magaan ang pakiramdam mo.

Huwag mo tularan yung mga taong kailangan dala ang buong bahay tuwing may pupuntahan.

Kung ang dala mo ay magpapaalala lang sa’yo ng parte ng buhay mo na nais mo nang kalimutan, bakit bumiyahe ka pa?

Sana di ka nalang nagpakahirap maghanap ng magandang lugar na pupuntahan.

Sana di ka nalang napagod kakaisip kung paano mo aayusin ang sarili mo.

Sana di ka nalang umalis. Sana di ka nalang umiyak. Sana nakuntento ka nalang.

Sana.

Sana.

(Sana all. Di joke lang; masyado kang seryoso eh.)

Sana.

Kaso hindi. Hindi normal ang magtiis kung kaya namang umalis. Hindi mo dapat pilitin ang sarili magbuhat ng mga bagay na di mo na kayang dalhin pa.

Bitawan ang kayang bitawan. Iwan ang pwedeng iwan. Lumingon ka, pero saglit lang.

Tamang silip lang para di ka magkamali uli.

Tatapusin ko na ‘to. Pangit kasi ang kwento na walang katapusan. Lalo na ang kwento na di alam kung paano tatapusin.

Happy ending. Sad ending.

Kahit ano basta ending. Di uso ang cliffhanger sa tunay na buhay.

Kaya wag ka makuntento sa cliffhanger.

Karapatan mong malaman kung ano ang ending ng kwentong pinagdaanan mo ng ilang taon. Kung ayaw nilang tapusin ang sinimulan nila, ikaw na mismo ang magsulat nito.

Tiyaka ka magbukas uli ng bagong babasahin, ng bagong daraanan, ng bagong tatawanan, at ng bagong iiyakan.

Bagong taon. Bagong dekada. Bagong buhay. Bagong simula.

Bagong ikaw.

#bow

Tagged with: , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: