The 9th Soul

Wrong Number

Posted in Uncategorized by Fated Blue on November 11, 2020

Totoo pala na habang tumatanda, mas lalo tayong nagiging parang isip bata sa dami ng mga bagay na bigla nating kinakatakutan, tulad ng pagiging mag-isa.

Kasi naisip ko lang, nakakatakot palang mamuhay ng walang kasama; ng walang kausap at walang nangi-istorbo sa ginagawa mo.

Nakakatakot pala na paggising mo mula sa isang masamang panaginip, kadiliman at katahimikan lamang ang kakamusta sa’yo.

Kapag masama ang pakiramdam mo, walang magsasabi sayo kung nasaan ang gamot o kung anu ang magandang inumin. Wala ring magpapakulo ng tubig kapag umuwi kang basang-basa sa ulan para kahit papaano maginhawaan ka sa pagligo.

Minsan naiisip mo kung anu nga ba ang pinagkaiba ng bahay mo sa isang bedspace o maliit na apartment. Bahay pa nga ba ito, o isang malaking tulugan na lang?

Kung anung itsura ng bahay mo nang iniwan mo ito, siya ring itsura nya pagdating mo. Di ka na ginaganahang magluto, magwalis, o magbukas ng ilaw at bintana. Tuwing umaga, nagmamadali kang umalis. Pagsapit ng gabi, wala kang ganang umuwi.

Mabibilang mo nalang ang mga salitang lumalabas sa bibig mo pag nasa bahay ka. Huni ng ibon, tahol ng aso, pagbusina ng sasakyan, nagaaway na kapitbahay, mga natitirang bakas na hindi lang mga kanta mula sa internet ang kayang marinig ng bahay mo.

Masuwerte nalang kung may nagkamali ng pag dial sa telepono at tumawag sa’yo, para kahit papaano maalala ng bahay mo kung anu ang pakiramdam na may nakatira pang isang tao bukod sa’yo.

Tagged with:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: